Thursday, October 29, 2009

Ang Sarap Bumalik sa Pagkabata


parang ang bilis ng oras nuh…
dati mga bulinggit pa lang tayo…
grade 1 lang ako dati eh tapos 3rd year na…
ang bilis nuh
nakakamiss talaga ang childhood days..

eto ang top 10 unforgettable memories ko nung bata pa ako:
1.pag aalis si mommy laging may kiss….tapos magpapabili ako ng pasalubong galing sa dunkin donuts….yung munchkins…..

2.pagka dadating na si mommy tuwing gabi, magtutulug-tulugan muna kami… akala ko tlga dati naloloko namin xa ng kapatid ko…pero ngayun ko lang na-realize na uto-uto pala ako nung bata ako…

3.pagka kumakain kmi ng kapatid ko, salitan lagi… kasi ganito yun, isang pinggan lang… pagkatapos na subuan ng kapatid ko, ako naman…tapos xa…tapos ako…tapos xa…salitan…haha….pero ngayun kaya pwede pa yun??

4.naglalaro kami ng langit-lupa pati taguan….naliligo kmi sa pawis dati eh… pero namimiss ko maglaro ulit ng ganun….kaso ang sagwa kung maglalaro pa ako ng ganun…

5.nung grade one ako mga 1st 2 weeks ko sa dominican, lagi akong umiiyak nun ehhhh…. di pa kasi ako sanay nun sa dominican…ayaw ko pang umuwi si mommy…haha…..katabi ko nun si ARIANNE MALIGLIG…..tas si ALEXANDRA GERONIMO…..tas si JEREMY MACARANDAN….tas si CAITLIN FORTUNATO….tas si JAN ELENI RUIZ…..oh diba sharp memory…may kaklase ako nun…..Grade 1 -gentleness……G-18 siya….sheila ang pangalan..mataba…..mas iyakin pa yun sakin eh…..1 week or 2 weeks lang ata xa tumagal sa dominican…..oh atlis ako mas matagal diba…..10 years!! siya 1 week lang…..

6.madalas akong naliligo sa batcha… wala kasi kaming swimming pool… so, nagsiswiming n lng kmi sa bacha… kapag naman ayaw ko sa bacha, sa banyo ako nagsiswiming… yung lusutan ng tubig, tatakpan lang ng basahan…edi hindi na mawawala yung tubig…pwede na magswiming…

7.pgkatapos ko tumae, sisigaw ako nang malakas na malakas: “MOMMY TAPOS NAKO!!!!”….tapos dadating na si mommy huhugasan na yung pwet ko…gawin ko pa rin kaya yun ngayun…

8.pagka nagkaroon ako ng sugat iiyak ako..haha…tapos pupunta ako kay lola papahiran nya ng terremycin (tama ba spelling?) tapos hihingi ako ng band aid….tapos pagka naman hindi pa ko tumitigil sa pag-iyak, sasabihin nila “o cge ka lalabas jan yung LRT pati yung tren pati yung eroplano” o kaya naman “Lalabas jan yung kanin…Dali tigil na”…..tapos hndi na ko iiyak….galing mang-uto ng mga matatanda nuh…

9.lagi kaming bumubunot ng sisiw…yung tigpipiso…bubunot ka nung papel tapos ilalagay mo yung piso sa isang letter or kahit anong number…tapos yung papel ibababad mo dun sa tubig tapos may lalabas na letter…swerte mo kung makatama ka…. kaso nga lang pag nakatama ka lugi ka pa rin…. mamamatay rin naman yang sisiw eh…kawawa lang..

naaalala ko pa nga dati eh….yung sisiw dinaganan namin ng hollow blocks tapos pagtingin namin, YUCK……lumabas yung intestines niya…as in lhat ata ng lamang-loob….kadiri…parang spaghetti na kulay yellow na napasobrahan sa sauce….ganun talaga kadiri……tapos dati pa nga meron kaming kulungan ng sisiw tapos lahat ng kulay ng sisiw binili namin….edi ang ganda tignan nung kulungan parang rainbow….tapos after 2 days patay na lahat…yung iba putol na ulo…yung isa putol na paa……kinagat ata ng daga….

pati hindi lang pala kami mahilig nun sa sisiw……pati pala sa salagubang(sa mga hindi nakakaalam, yun yung insekto na madalas namamahay sa puno ng sinigwelas at mukhang ipis na mabentang-mabenta kay aling mila tuwing summer……..naglalaban yun eh………yung dalawang salagubang lalagyan ng bubble gum sa likod…pagdidikitin tapos paunahan makatayo….kung sino yung makatayo, panalo, kung sino yung nasa ibabaw talo……

10.double deck kasi yung kama namen…. simula nung pinanganak ako hanggang ngayun, yun pa rin ang kama namin…. dati nung bata pa ko, lagi akong naglalambitin sa kama..ako daw si tarzan… grills kasi yung sa taas eh…so pwede mong paglambitinan…

11.wala akong kilalang kaklase ko nung kinder tsaka nung nursery….tatlong pangalan lang talaga natatandaan ko…yung isa si abraham…yung dalawa kambal pa….si lizelle at gizelle…..katabi ko…hahah…katabi ko kambal…pag tumingin ka sa kanan makikita mo mukha ng bata…pag tumingin ka naman sa kaliwa, ganun din…hahah………..sila lang talaga naaalala ko

12.favorite t-shirt ko kulay red…..bossini tatak nun…….tapos yung sleeves kulay blue……ginawa na atang basahan ngayon eh….

13.may isa pa kaming laro…..nakalimutan ko yung tawag eh……KALOG yata……di ko sure……may mga tansan….yung tansan aalugin mo sa kamay…tapos xempre ibabagsak….tapos….may mga combinations na dapat sundin….anu yata yun eh….may CHA may panggulo..basta ganun di ko na maxado maalala………tapos imbes na pera ang pangsugal, goma ang ginagamit ng mga bata……heheh

14.mahilig kami maglaro dati ng bente uno, bangsak(tama ba spelling?), multu-multuhan, caterpillar, ice ice water….yung mga ganun……hindi ko na gaano maalala yng mga rules….basta the best talaga yun….

15.ang swimming trunks ko dati kulay black….tas sa kapatid ko blue…..yun lagi suot namin eh pag may swimming…para xang brip…..hindi shorts….heheh

16.hinding-hindi ko malilimutan ang mga linya na to: “langit lupa impyerno im im impyerno..saksak puso tulo ang dugo patay buhay umalis ka na jan sa pwesto mo….” eto pa: “kalesa kalesa sino ang sakay mo”, “gumaya sakin taya”, “mahuli may tae sa puwet”, “goodmorning mickeymouse” at kung ano ano pa…..di ko na maalala

17. kilalang-kilala ko ang cast ng Voltes V. si dr. armstrong, steve, mark, little john, jamie, tas yung isang mataba sino nga ba yun?? basta mayu big yun eh…big bert ba?? hindi yata eh…basta ganun…may big…si steve yung sa ulo…si mark sa kamay….yung mataba sa chan….si little john sa binti at legs tas si jamie sa paa…..oh galing ko….

18. lagi rin kaming naglalaro ng power rangers….ako lagi si ranger blue….kapatid ko red….pinsan kong isa(si monmon) white, yung babae (si colleen) pink, tas yung isa(si maui kapatid ni monmon) green….ganyan lage…..

19.uto-uto kami nung bata kami…..kasi ganito yun…..sa bahay ng kapatid ng lola ko(si Mama Zon) meron silang maliit na taniman…..doon maraming mushroom…..tumutubo lang pasulpot-sulpot…..tapos tuwing umaga, nilalagyan yun ni mama zon ng mga holen…holen as in marble….tas pinapaniwala niya kami na mga dwende ang gumagawa ng holen….naniwala naman kami….tapos tuwing umaga, dadayo kami sa bahay nila para mamulot ng holen ng mga dwende….magpapaalam muna kami sa mga dwende bago kuhain yung holen nila…..ganun…uto-uto kami nuh….

20.nanonood ako ng eto rangers sa channel 13…..gani2 istorya nun….13 sila na rangers…mga hayop…may daga, rabbit, chicken, snake, toro, baboy, aso, ganun…basta mga hayop…tapos araw-araw meron silang mission….pipili lang ng lima sa kanila kung sino ipapadala sa mission…tapos yung mission based yung story niya sa isang famous fairy tale…basta ganun…panoorin niyo na lang….

21. pangarap kong makahawak ng snow dati

22. paniwalang-paniwala ako na niregaluhan ako ni santa clause ng isang star wars action figure….tas mga after 5 years, tsaka ko lang nalaman na mommy’t daddy ko lang ang nagregalo nun….hahah

23.

oh diba ang sarap ulet maging bata………

so, para sa mga nagmamadaling magmature at tumanda, wag muna….kase for sure mamimiss nyo rin ang inyong mga childhood moments…kaya habang mejo bata pa tayo, just enjoy and live life to the fullest!!!

No comments:

Post a Comment