Thursday, October 29, 2009

NATUTULOG BA ANG DIYOS???

ang sagot: HINDI

HINDI NATUTULOG ANG DIYOS……

Bakit kaya
Bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa
Pilitin ka ng tadhana
Alam mo na
Kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang nasasayang
Ang buhay mo
At ang ibinubulong ng
‘yong puso
Natutulog ba ang Diyos
Natutulog ba

Ba’t ikaw ay kaagad
sumusuko
Konting hirap at munting
pagsubok lamang
Bakit ganyan
Nasaan ang iyong tapang
Naduduwag nawawalan
Ng pag-asa
At iniisip na natutulog
pa
Natutulog ba ang Diyos
Natutulog ba

Sikapin mo pilitin mong
Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa ‘yong bukas
‘Wag mo sanang akalaing
Natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo
Ay mayroong halaga
Sa Kanya

Dapat pa ba
Na ikaw ay maghintay
At himukin pa pilitin ka
Ng tadhana
Gawin mo na
Kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala
sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos
Umalalay sa ‘yo
Hinihintay ka lang
Kaibigan

Sikapin mo pilitin mong
Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa ‘yong bukas
‘Wag mo sanang akalaing
Natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo
Ay mayroong halaga
Sa Kanya

END OF THE SONG

NATUTULOG BA ANG DIYOS?

ang sagot: HINDI

HINDI NATUTULOG ANG DIYOS……

Madalas na pumapasok ang tanong na ito sa utak ng maraming tao dahil na rin sa kanilang mabibigat na pagsubok na hinaharap sa buhay….Ang ibang tao, hindi na nila makayanan ang timbang ng mga problema na araw-araw na nagpapabigat sa kanilang mga pinapasan na nagiging dahilan para sila’y bumigay at tuluyang bumagsak mula sa pagkakatayo..

Kaya’t minsan, naiisipan nila na pinapabayaan sila ng Diyos, naiisip nila na natutulog lang Siya….Nakakalimutan na raw Niya tayo at hindi napapansin…

Pero mali ang ating mga pag-aakala….

Maling-mali….

Kailanma’y hindi Niya tayo pinabayaan….

Kailanma’y hindi Niya tayo tinulugan….

Hinahayaan lang Niya na magkaroon tayo ng kahit kakaunting hinanakit, paghihirap at kalungkutan sa buhay…

Laging tandaan: Life is like a piano..The white keys represents happiness and the black keys represents sadness….But always remember, black keys also create music…

Kelangan talaga ang paghihirap sa buhay……Parang teleserye…walang kwenta ang storya pagka walang hinanakit at pag-iyak ang bida…Kaso nga lang, minsan ay sumosobra na sa hirap…..There’s always a reason for everything….Minsan ay hindi natin nararamdaman si God sa tabi naten…Alam niyo kung baket?? Kase, pag hindi natin Siya nararamdaman, ibig sabihin, panahon na para hanapin natin Siya…Gusto kasi ni God, matuto tayong humingi ng tulong sa Kanya….Yung iba kase kinakalimutan Siya…pa-easy easy lang…

Kaya ang ginagawa ni God, binibigyan Niya tayo ng hirap at sakit sa kaluluwa…Sa huli naman, marerealize naten na kaya pala ganun ay dahil gusto lang Niya na tinatawag naten Siya, kinakausap, hinihingan ng tulong at pinasasalamatan……

Tatlo lang naman ang dahilan ng paghihirap eh…

1.Marami kasing tamad na tao…Hindi nagsisikap sa buhay…Kaya ang epekto, mahirap sila…

2.Kelangan talaga yan sa buhay….Gusto ni Lord na maging matatag tayo…Ang buhay kasi, parang Mathematics…gagaling ka sa pagsosolve ng mahihirap na problems kapag maraming problems na ang binigay sayo at lahat yun ay natutunan mo nang isolve step-by-step…

So, para maging magaling tayo sa pagsolve ng mga problems sa buhay at para maging matatag ang loob naten, binibigyan Niya tayo ng mga problems at konting hirap sa buhay….

3.Gusto kasi ni Lord, palagi Siyang tinatawag…Gusto Niya na hindi natin Siya makalimutan…Gusto niya lagi na pasalamatan natin Siya dahil sa dinami-dami ng palagian Niyang binibigay saten…Eh ang mga tao kase, nakakalimutan Siya, hindi Siya naaalala, at minsan, binabalewala pa…

Ang tugon naman ni God “Oh eto ngayon ang sa’yo…Maghirap ka…Kinalimutan mo kase ako eh….Lahat ng iyan nanggaling saken tapos hindi ka man lang magpasalamat…Pero hindi naman ako magbibigay ng napakahirap na problema na hindi mo kaya pagdaanan…Kaya mo rin yan..Para sa huli, marealize mo na naghihirap ka dahil nakakalimot ka…” Syempre naman masasaktan si Lord….Kung ikaw magbigay ng regalo sa taong sobrang mahal mo tapos ni hindi ka man niya pinasalamatan, sinabihan ng Thank You, or inalala…..Syempre diba masasaktan ka…..Ganun din si Lord…..

Kaya ang solution, magsipag at magdasal……..
:)

No comments:

Post a Comment