mga kababayan ko, dapat lang malaman nyo, bilib ako sa kulay ko, ako ay Pilipino… -Francis Magalona
hoy, pinoy ako! buo aking loob may agimat ang dugo ko.. -Bamboo
Pilipino, Pilipino, Pilipino ang lahi ko…… - Manny Pacquiao
Hoy pare pakinggan niyo ako, heto ang tunay na Pilipino… - Black Eyed Peas
………………………………………………………………
Ilan lamang iyan sa mga kanta na nagpapakita ng nationality, patriotism, at pagmamalaki sa ating bayan…pagmamalaki sa bansang Pilipinas…Love for the
Pero, worth dying for nga ba tayong mga Pilipino? Do we deserve to be? Well, I guess not, I guess yes. Maybe not, maybe yes. Like the artists above and Ninoy Aquino, are you also proud of the Philippines?
*Proud ka ba sa mga nagkalat na snatcher at holdaper sa Quiapo, Recto, Blumentritt, Divisoria?
*Proud ka ba sa mga masisikip na kalye, polluted na mainroads, at mga nagkalat na majongero’t majongera sa mga lamay at sakla?
*Proud ka bas a mga barumbadong tsuper ng jeep na hihinto na lang kung saan makasakay lang ng pasahero at walang pakundangan kung magmaneho?
*Proud ka ba sa mga pulubing nakahalandusay ang higaang karton sa mga tabi, unti-unting nabubutas ang mga kumukulong tiyan, at mga maliliit na batang sanay na ang mga bibig sa pambabastos at pagmumura?
*Proud ka ba sa mga nagkalat na iskwater, mga home along da riles, at mga NPA O No Permanent Address?
*Proud ka ba sa kawalan ng disiplina ng maraming Pilipino?
*Proud ka ba sa ating pamahalaan na napag-iiwanan na ng ibang bansa at sa mga lider na nasasadlak sa pangungurakot ng kaban at pang-aabuso sa kapangyarihan?
*Proud ka bas a mga mandarayang pulitiko at mga sakim na lider ng bansa?
*Proud ka ba sa mga salitang “gutom ang bayan sapagkat may GahaMAn”?
*Proud ka ba dahil ibinoto mo ang mga kurakot na mga pulitiko at mga lider-lideran ng bansa na siya ang magiging dahilan para maghirap ang buong bansa?
Mga kalahi’t kababayan, try to think of those things. Is a Filipino really worth dying for? Anong nangyayari sa bansa natin? Bakit nagkakaganito ang bansang Pilipinas? Pinabayaan mo ba? Mga kapatid, marami pang panahong natitira para magbago. Panahon na para kumilos. Kaya’t sa darating na eleksyon sa May 2010, iboto ang mga karapat-dapat na kandidato.
Tunay ngang pumapanget na ang Pilipinas. Pero despite of those deficiencies, despite of those worst negativity inheritance epidemics, the Pinoy blood is still being pumped in our veins and is still worthy to be in its place together with pride and standouts. The negativity of our race needs a change and our positivity needs enrichment and preservation.
Pinoy blood…What’s something in it that makes it worthy to be proud of? Simple lang…
*Talentado daw tayong mga Pinoy…Nagkalat ang mga world-class talents sa ibang bansa tulad na lamang nina Lea Salonga, Charice Pempengco, Arnel Pineda, Apl d’Ap of Black Eyed Peas, etc…
*Talbog tayo sa ibang lahi dahil mas masaya ang ating mga holidays tulad ng Fiesta lalong lalo na ang Pasko. Ang Pasko sa ibang bansa, parang wala lang, just like a normal weekend. Hindi katulad dito, pinaghahandaan talaga.
*Masayahin tayong mga Pinoy. Hirap na nga sa buhay, kapos na sa pera at baon pa sa mga problema, ay nakukuha pa ring tumawa, ngumiti, mag-enjoy at magsaya. The show must go on. Kung mga Hapon o mga Amerikano lang yun, malamang nag-suicide na yun.
*Hospitable daw tayo sa mga tao. Masyadong heartwarming pagdating sa mga bisita at welcoming sa mga foreign identities. And I hope, lahat naman tayo ay alam na yun.
*Mayaman ang kultura ng mga Pilipino. Maraming mga Igorot, Ita, Badjao, Mangyan, Tausug, at kung anu-ano pa…
*Meron tayong makasaysayang Vigan, Intramuros at
*Meron ba silang kalesa, jeep, pedicab at tricycle? Wala…tayo lang ang nagpauso nun.
*Meron ba silang mga SM, MOA, Trinoma, 168, Tutuban, Quiapo, Divisoria, Robinsons? Sa ibang bansa nga sa isang city, isang mall lang eh…Eh dito sa Pinas, nagkalat na…
*Meron ba silang Banaue Rice Terraces, Mayon Volcano, Boracay Beach, Pagudpod Island, Puerto Galera, Tubbataha Reef at Puerto Princesa Subterranean River National Park?
*Meron ba silang Wowowee? Dying-hard ang mga foreigners dun makapasok lang sa studio ng Wowowee.
*Meron ba silang sinigang, adobo, kare-kare, nilaga, sisig, at paksiw?
*Meron ba silang kwek-kwek, pishbol, squidball, balot, kikiam, calamares, isaw, adidas, at dugo?
*Meron ba silang People’s Champ Manny Pacman Pacquiao?
Wala…Tayo lang ang may ganyan…..
Truly, a Pinoy blood is a Pinoy pride. A rectangular cloth with red, blue, and a triangular white with 3 stars and an 8-rayed sun on it keeps my blood flowing through these veins of mine. Nangingibabaw ang pride sa ating mga puso sa t’wing ang kaharap nati’y mga puti, mga blonde, mga singkit, mga kulot, mga matangos, mga blue eyes.
So, is a Pinoy blood a Pinoy pride?
No comments:
Post a Comment