Friday, November 20, 2009

AKO ANG SIMULA NG PAGBABAGO



Ako ang simula ng pagbabago
Ako ang tutupad sa pangakong ito
Ako ang simula....

Ikaw ba ay ipinanganak noong taong 1991? Kung oo, ikaw na nga ang simula ng pagbabago... 18 ka na, pwede ka nang bumoto. Please vote wisely. Just be aware that your single vote makes a great impact on the future of our country. Your vote counts..Wag mo balewalain ang iyong isang boto sa darating na Mayo 2010....

Ang Pilipinas ay nagiging parang isang basurahan. Habang tumatagal ang panahon, nagiging walang kwenta...Unti-unti nang pumapanget ang bansa natin. At ang nagpapapanget nito ay walang iba kundi tayong mga Pilipino, tayong mga mamamayan na naninirahan sa Pilipinas. Ngunit hindi lang naman tayo...Pati sila, pati silang mga pulitiko....OO tama ako, ang mga PULITIKO na walang alam kundi mangurakot, magnakaw ng kaban ng bayan, mag-away sa senado, makipagbangayan sa kapwa nila pulitiko, magbulag-bulagan sa tunay na tungkulin ng isang "leader" at magpayaman ng todo-todo para sa sariling kasakiman...Oo, sakim talaga ang mga pulitiko...Pero hindi lahat.....Hindi lahat ng pulitiko masama....Marami pa rin namang mga matitino at hindi pa naiimpluwensyahan ng demonyo....


Ang daming kakandidato bilang presidente, sina Manny Villar, Noynoy Aquino, Eddie Villanueva, Gilbert Teodoro, at si ERAP...

Ang daming nag-aagawan para lang sa iisang pwesto.....Tayo namang mga Pilipino, boboto...Tapos, sino ba yung iboboto nilang leader?? yung kurakot......anung mangyayari sa bansa natin?? wala lang...hindi pa rin uunlad...



pero kung ako ang tatanungin, ang dapat na iboto bilang presidente ay si Noynoy.....oo, si NOYNOY AQUINO ,yung kapatid ni kris.....yung anak ni cory at ninoy.....siya kse ang pinakamatino....hindi naman siya perpekto....hindi rin siya super duper talino....hindi naman kailangang sobrang talino ng pangulo eh...okay na yung matalino...ang pinakaimportante, MATINO , yung hindi gago tulad ni GLORIA...... abnormal kase si gloria eh......malditang pangulo....

Pero lahat to, opinyon ko lang....Isang opinyon ng isang kabataan na may karapatan magsaloobin ng kanyang damdamin dahil nagsisimula nang mamulat sa mundong kanyang ginagalawan....i am fully aware of what is happenning...at ayokong maging parang basurahan ang bansa ko....


Kung ako ang tatanungin, bakit si Noynoy?? Kase ganito yan......

Para magkaroon ng isang malaking pagbabago sa ating society, kailangang may namamatay....oo, tama, may mamamatay......Way back 1987, sino ba ang namatay??? Si Ninoy Aquino diba?? Pagkatapos nun, nagkaron ng isang malawakang pagbabago....Naging presidente ang kanyang asawa, si Cory Aquino......at napabagsak ang pamahalaang Marcos....ETO ANG MALAKING PAGBABAGO, NATAPOS NA ANG MARTIAL LAW, AT MULING NAKAMIT NATING MGA PILIPINO ANG DEMOKRASYA......wala na tayo sa kamay ni Marcos.....Dahil sa pagkamatay ni Ninoy, nagkaroon ng malawakang pagbabago....


Ngayong 2009, sino naman ang namatay??? Si Cory Aquino......Edi dapat meron na uling bagong presidente katulad ng sinabi ko kanina.....At sino ang dapat na maging presidente??? Edi si Noynoy dapat......Edi magkakaron na niyan ng malawakang pagbabago......Anu yung pagbabagong yun? Pag nawala na si Gloria, magbabago na ang Pilipinas...Hindi na niya tayo mananakawan....Hindi na siya makakapangkurakot muli....

Pagka isang mahalagang tao ang nawala, magkakaroon ng pagbabago.....sa pagkamatay ni ninoy, napuksa ang martial law....sa pagkamatay ni cory, mapupuksa na kaya ang mga kasakiman at pangungurakot ng mga pulitiko?? paano?? yoon ay kapag naihalal ang pinakamatinong pangulo.....



kaya kung ako sa inyo, si Noynoy na lang ang iboboto ko....


PLEASE VOTE WISELY EVERYONE...... WE NEED A CHANGE.....A VERY BIG CHANGE.........tayo naman ang makikinabang nun eh



to all 18 and above, pakitatak naman sautak niyo ang mga katagang ito: AKO ANG SIMULA NG PAGBABAGO

No comments:

Post a Comment